Ang Importansiya ng Creeds at Confessions
Mahal ko si Hesus
Person 1: Mahal ko si Hesus!
Person 2: Mahal ko rin si Hesus!
Person 1: So, kung mahal mo si Hesus at mahal ko rin si Hesus, eh di malamang tayo ay Kristiyano!
Person 2: Oo nga!
Ngunit sila nga ba ay mga tunay na Kristiyano?
Sa loob ng maraming taon ang mga Kristiyano ay nakikila ang isa’t isa kapag kanilang ipinoproklama ang kanilang pagmamahal kay Hesus. Sinasabi nila na dahil mahal ko si Hesus, siguradong ako ay isang Kristiyano.
Sa kasalukuyan, napakadali lamang sabihin at i-deklara na ang isang tao ay isang Kristiyano. Basta ang isang tao ay sambitin ang pangalan ni Hesus iniisip agad natin na isa siyang Kristiyano. Tinatanggap natin agad agad ang mga simbahan, mga bible study materials at resources nang hindi sila sinusuring mabuti, basta ang mga ito’y dala-dala ang pangalan ni Hesus.
Pero sigurado ba tayo na tunay ngang si Hesus na tinutukoy sa Bibliya ang sinasabi nating mahal natin at pinaniniwalaan natin?
Tingnan Natin Sandali ang Ating Church History
Inaaral namin tuwing Linggo ang Church History Survey sa aming local church. Pinapanood namin ang mga recorded videos ni Pastor Nicky Joya at ang mga ito ay tunay na nakakapagpalinaw ng mga maling katuruan na nakasanayan namin. Naintindihan namin saan nagmula at kelan nagsimula ang mga maling doctrina o heresy sa simbahan at bakit nasulat ang mga Creeds at Confessions.
Ang mga Confessions at Creeds ay mga importanteng kasulatan na ginamit sa kasaysayan ng early church upang maintindihan at pagtibayin ang ating mga paniniwala sa ating Christian faith. Ang mga pahayag na ito tungkol sa ating paniniwala bilang mga Kristiyano ay nagbigay ng balangkas o framework para maintindihan natin ang mga katangian ng Diyos, nang Trinity, at nang parte ng simbahan para sa ating kaligtasan kay Hesus. Nagsisilbi rin ang mga ito bilang paraan ng pagkakaisa ng simbahan pagdating sa tinatawag nating orthodoxy o tamang katuruan at tamang doktrina. Lalong lalo na kapag ang simbahan ay humaharap sa isang kontrobersiya at pagkakawatak-watak dahil sa theolohiya.
Isa sa pinakamatandang Creed at pinakakilala ang Apostle’s Creed. Nagsimula ito noong 2nd century AD. Nagpapahayag ito ng maigsing summary ng ating paniniwala bilang mga Kristiyano at ito’y kasalukuyang ginagamit pa rin sa mga simbahan.
Christology at ang Nicene Creed
Last Sunday nag-aral kami tungkol sa Christology at kung paano nagsimulang maisulat ang Nicene Creed sa Session 5 ng Church History Survey.
Natutunan namin na ang Nicene Creed ay naisulat bilang tugon sa mga kontrobersiya at debate na gumugulo sa early church. Ang pinakamalaking kontrobersiya ng panahon na iyon ay ang nature ng Trinity at ang relasyon ng Ama, ng Anak, at ng Espiritu Santo sa isa’t isa. Maraming maling katuruan ang naglabasan noong 3rd at 4th century AD. Bawat isa ay nakagawa ng kanilang sariling ideya tungkol sa nature ng Diyos at nang Trinity. Ngunit ang kaguluhan ay nakasentro kay Arius, na naniniwala na si Jesus ay nilikha lamang at hindi Diyos na kapantay ng Diyos Ama. Hinahamon nito ang orthodoxy o tamang katuruan ukol sa Trinity at naging banta sa early church.
Upang masolusyonan ang problemang ito, Nagpatawag ng isang pagpupulong si Emperor Constantine na ginanap sa Nicaea noong 325 AD. Ang pagpupulong ay dinaluhan ng mga bishop mula sa iba’t ibang simbahan noong panahon na iyon. Ang kanilang naging debate ukol sa nature ng Trinity ay talagang naging marahas. Si Athanasius na bishop ng Alexandria ang syang tumayo upang ipagtanggol ang paniniwala ng early church na ang Ama at si Hesus ay iisa sa kanilang essence at sila ay co-eternal. Pinagtibay nya rin doon na si Hesus ay hindi nilikha lamang bagkus ay Diyos kagaya ng Ama.
Matapos ang kanilang debate, ang mga bishop ay nagkasundo sa pagsulat ng Nicene Creed. Pinagtitibay nito ang ating paniniwala sa Trinity bilang tatlong distinct persons – ang Ama, si Hesukristo, at ang Espiritu Santo. – na iisa ng substance at co-eternal. Nagbigay ang Nicene Creed ng saligan para sa traditional Christian theology na atin pa ring ginagamit sa panahon na ito. Tuluyan na rin itinakwil ng creed na ito ang maling katuruan ni Arius.
Nakatulong din ito na pagbuklurin ang early church at nagbigay ito ng iisang lengwahe at iisang paniniwala para sa lahat ng mga Kristiyano sa buong mundo. Sa paglipas ng panahon ang Nicene Creed ay naging sentro sa ating pagsamba at patuloy pa rin ginagamit sa mga simabahan ngayon. Isa itong napakaimportanteng simbolo ng kasaysayan at teolohiya ng early Christian church at sa pagbubuo ng Kristiyanismo sa mga nagdaang panahon.
Si Athanasius at si Arius ay Parehas na Naniniwala kay Hesus, ngunit…
Totoo na parehas silang naniwala na si Hesus ay totoo at namuhay kasama ang mga tao dito sa mundo. Ngunit nagkakaiba sila sa kanilang paniniwala sa kanyang pagkatao at pagka-Diyos. Ito ay kritikal sa ating Christian faith. Hindi natin maaaring sabihin na mahal natin si Hesus o naniniwala tayo sa kanya ngunit hindi natin alam ang katotohanan tungkol sa kanyang pagkatao at pagka-Diyos. Sa ganitong paraan nakikilala ng mga tunay na Kristiyano ang isa’t isa. Dahil pinagtitibay nila kung sino talaga si Hesus bilang tao at bilang Diyos na tagapagligtas.
Ang mga Kristiyano sa early church ay walang Bibliya katulad ng mayroon tayo ngayon. Wala silang access kagaya ng meron tayo ngayon at ang pagkakasulat ng mga Confessions at Creeds ay nagpasimple ng tamang doktrina para sda kanila. Tinulungan sila ng mga ito upang makilala nila ang tamang katuruan sa maling katuruan.
Hindi Lahat ng may Salitang “Christian” ay Tunay na kay Kristo
Nais ko lang sabihin bilang pagtatapos na kailangan natin maging mapagmatiyag. Hindi lahat ng nagsasabing mahal nila si Hesus ay tunay na mananampalataya. Hindi lahat ng simabahang may “Christian” sa pangalan ay tunay na kay Kristo. Kung may makilala tayong nagsasabing sila ay naniniwala kay Hesus ngunit namumuhay kagaya ng mundo, kailangan natin silang paalalahanan in love. Kung sila ay makinig, tayo ay binibigyan ng Diyos nang pagkakataon na tulungan silang maintindihan ang tamang katuruan tungkol kay Hesus sa tulong ng Espiritu Santo. Ang mga tunay na nagmamahal kay Hesus ay nananatili sa Kanya at sumusunod sa Kanyang mga utos, (1 Juan 2:3-6; 1 Juan 3:24). Sila ay namumunga. (Juan 15:5)
Ang mga Confessions at Creeds ay hindi ginawa upang palitan nito ang Bibliya sa ating buhay. Ang mga ito ay mahusay na paraan upang mapaalalahanan tayo kung ano ang ating dapat paniwalaan at kung sino ang ating paniniwalaan. Maging mapagmatiyag tayo at patuloy na protektahan ang purity ng Gospel habang tayo ay nagiging mapagmahal sa mga taong hindi pa nakakakilala kay Hesus.
The Nicene Creed
I believe in one God, the Father Almighty, maker of heaven and earth, and of all things visible and invisible; And in one Lord Jesus Christ, the only begotten Son of God, begotten of his Father before all worlds, God of God, Light of Light, very God of very God, begotten, not made, being of one substance with the Father; by whom all things were made; who for us men and for our salvation came down from heaven, and was incarnate by the Holy Ghost of the Virgin Mary, and was made man; and was crucified also for us under Pontius Pilate; he suffered and was buried; and the third day he rose again according to the Scriptures, and ascended into heaven, and sits on the right hand of the Father; and he shall come again, with glory, to judge both the quick and the dead; whose kingdom shall have no end.
And I believe in the Holy Ghost, the Lord, and Giver of Life, who proceeds from the Father and the Son; who with the Father and the Son together is worshipped and glorified; who spoke by the Prophets. And I believe in one holy catholic and apostolic Church; I acknowledge one baptism for the remission of sins; and I look for the resurrection of the dead, and the life of the world to come.
The Westminster Confession of Faith
Are You Looking for Biblical Equipping?
Evangelical Leadership Institute Asia seeks to enable Christian leaders to acquire theological and ministerial education equivalent to those offered in Bible colleges, without leaving their churches for a long time. The goal of the program is to train Christian leaders and workers for ministry, while in ministry without having to leave their secular or full-time Christian vocations.
The ELI Asia Leadership Programs are designed in such a way that face-to-face lectures and classroom discussions, and independent readings and research are integrated.If your church is seeking to equip your pastors and lay leaders biblically, you may prayerfully consider partnering with ELI Asia. You may reach us through e-mail at trainingministers@gmail.com
One Comment
Pingback: